Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
- Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan ni Amado Hernandez
Pinagpupugayan ng Amado V. Hernandez Resource Center ang dakilang lider-manggagawa na si Kasamang Crispin Beltran. Binabalikan natin ang masalimuot at maningning na pakikibaka niya para sa karapatan ng mga manggagawa at mithiin ng mamamayang Pilipino. Kung ang Pambansang Alagad ng Sining na si Ka Amado ay manunulat at pinuno ng kilusang paggawa, ang buhay ni Ka Bel ay panulaan ng kasaysayang nagpunyagi na mapagtagumpayan ang kahirapan, pagsasamantala at pang-aapi ng sambayanan.
Hanggang sa huling sandali, namalas ang pagmamahal ni Ka Bel sa pamilya. Pinagsumikapan niyang kumpunihin ang sira sa bahay. Hanggang sa huling panahon, nakita ang pag-ibig niya sa ating bayan. Siya’y nakipaglaban para sa mataas at makatarungang sahod ng mga manggagawa. Iisa ang pagmamahal sa pamilya at bayan para kay Kasamang Crispin: anuman ang ipinakikipaglaban para sa sahod, trabaho at karapatan sa hanay ng mga manggagawa ay pakikipagbuno din upang mapabuti ang kalagayan ng pamilya. Haligi ng tahanan, muog ng sanlaksang inaapi.
Mula sa pagmamaneho ng taksi hanggang sa pamumuno ng kilusang paggawa, pagkakakulong tungo sa paglahok sa mga magsasaka sa kanayunan, paniniil ng pasistang rehimen hanggang pisikal na karamdaman, nilabanan ni Ka Bel ang lahat ng balakid sa personal, pulitikal at panlipunang pagbabago. Nito nga lamang nakaraan, sa paniniil ng pamahalaan, dinakip siya, nakulong maging sa ospital at pinalaya ng kilusang masa. Inigpawan niya ang sakit at kahinaan upang mapalakas ang pakikipaglaban ng anakpawis. Pangkaraniwan lamang si Ka Bel, nagmula sa masa, tumapang, tumindig, at namuno para sa kapakanan ng nakararami.
Nagluluksa tayo sa pagkawala ng isang tunay na bayani at tapat na alagad ng mamamayan. Ipagpatuloy natin ang pakikipaglaban para sa kagalingan ng kilusang masa! Ipagbunyi natin ang buhay at alaala ni Ka Bel!
Sa wakas, dapat nang ngayo’y mabandila
ang karapatan kong laong iniluha,
ang aking katwiran ay bigyan ng laya
at kung ayaw ninyo’y ako ang bahala
sa aking panata sa pagkadakila…
Taong walang saysay ang di Manggagawa!
Bayani, Amado Hernandez
She Didn’t Get Amado Hernandez
Philippine Consumer Group Slams Doctors for Spreading ‘Generic’ Myths
Consumer Group Slams Senators for Dropping Generics in Cheaper Meds Bill
Political Bloodbath Continues: Widow of Slain Activist Shot Dead
New Wave of Protests Against Charter Change Set in April
Comelec’s Automation to Worsen Election Fraud — Watchdog
2008: Another Bad Year for the Philippine Press
‘Unemployment Figures Wrong; Number of Jobless Higher’
‘Nicole Is Not the Enemy’
‘Nicole’: ‘My Conscience Bothers Me’
Why Globe Broadband Sucks Big Time
Is the Call Center Industry a Bright Spot for New Graduates?
6 Great Ways to Vent Your Frustrations
Eating Dirt Is Actually Good For Children
Australia Offers 150 Scholarship Slots for Philippines, Asia-Pacific
Why Globe Broadband Sucks Big Time

shara joy parayno: can you help me…? i want to continue my study.. i’m graduating this year and i want...
josé miguel: Our nation has also been continuouly raped by the continuous invasion of the Americans. How Nicole...
Atty.Charmaine Fajardo: Please email me if you are selling these Thailand AROD coconut dwarf variety or any other...
Jurisprudence: I do hope God will grant her a miracle! http://hubpages.com/ hub/Cory-Aquino-The- Real-Score
‘Martsa Kontra Cha-cha’ Set
What Are 1109, 9006, and 9369 in Arroyo’s Agenda?
Environmentalists Slam Arroyo’s Sellout of Lands to Foreigners
Recruiting Militants in Southern Thailand
New Round of Oil Price Hikes Hit
Greenpeace Water Patrol Dismantles Blockade
It’s Battle of Good Vs Evil, Church Leaders Say of Cha-cha Fight
Satur: Nograles to Blame for Dispersal of Peasant Camp-Out
Philippines: A Journalist on Army Target List, Another Shot, Possibly by Soldier
In the Philippines, Targeting Journalists
Leave a Comment
PinoyPress will delete comments that contain abusive or offensive language. That means you cannot call people names or use expletives or profanity.